Pormal nang inilunsad ng Department of Budget and Management (DBM) ang Philippine Public Financial Management Reforms Roadmap 2024-2028 Midterm Update sa ginanap na Philippine PFM Forum na ginanap sa Asian Development Bank sa Mandaluyong City.
Ang naturang roadmap ay magsisilbing gabay sa pagpapatupad ng mga pangunahing reporma sa pamamahala ng pondo ng pamahalaan hanggang 2028.
Pinangunahan ang seremonya ni Department of Budget and Management (DBM) Acting Secretary Kim Robert De Leon.
Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ni De Leon na nasa kritikal na panahon ang Pilipinas sa pagpapatupad ng reporma lalo na’t target ng bansa na maabot ang upper-middle income economy.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga opisyal mula sa DBM, Asian Development Bank, World Bank, iba pang development partners, at mga stakeholder.
Nakapaloob sa nasabing roadmap ang 11 Strategic Focus Areas kabilang ang Planning and Budgeting Linkage, Cash Management, Asset Management, Accounting and Auditing, Digital PFM, Public Procurement, at Monitoring and Evaluation.
Tiniyak naman ng DBM na ang naturang mga reporma ay para magbigay ng mas mabilis na serbisyo at mas mas maraming oportunidad sa mga Pilipino.