Photo courtesy of Armed Forces of the Philippines
Nag-deploy ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga tauhan, sasakyan, at disaster response assets sa Tarlac, Pampanga, at Bataan.
Layunin nito na tumulong sa mga komunidad na matinding naapektuhan ng Habagat.
Kabilang sa operasyon ng AFP ang rescue operations sa mga binahang lugar, gayundin ang transportasyon at distribusyon ng relief supplies sa mga apektadong residente.
Namahagi rin ang militar ng mga food pack sa mga lugar na nangangailangan ng agarang tulong.
Nakikipag-ugnayan ang militar sa mga lokal na pamahalaan at iba pang disaster response agencies upang mapabilis ang paghahatid ng ayuda at pagsagip sa mga residenteng apektado ng pagbaha.