Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan 5th Division ang hiling ni Senador Jinggoy Estrada na pagsamahin ang kanyang mga kasong plunder at graft na nakabinbin sa magkaibang dibisyon ng anti-graft court.
Sa inilabas na resolusyon, iginiit ng 5th Division na walang sapat na batayan para i-consolidate ang mga kaso dahil magkakaiba ang mga transaksyong sangkot.
Ayon sa korte, ang graft case na hawak ng Fifth Division ay may kaugnayan sa umano’y ₱350 milyong flood control projects sa National Capital Region at Oriental Mindoro, habang ang kasong nasa Second Division naman ay tumutukoy sa ₱213.75 milyong proyekto sa Bulacan.
Ipinaliwanag din ng korte na kung pagsasamahin ang mga kaso, maaaring maantala ang pagdinig dahil kasabay nito ang pagtalakay sa mga petisyon para sa piyansa.
“Should a consolidation or joint trial be effected and either or both anti-graft cases be tried jointly with the plunder case, they stand to be stalled for as long as the court conducts hearings on the bail petitions.”