“Walang puwang ang katiwalian sa Lungsod ng Marikina”
Ito ang tinuran ni Marikina City Mayor Maan Teodoro sa kaniyang kauna-unahang State of the City Address (SOCA) buhat nang maupo sa puwesto bilang Alkalde.
Binigyang diin ng alkalde, na committed ang kaniyang administrasyon na panatilihing “corruption free” ang lungsod at kailan man ay hindi nila ito bibigyan ng puwang.
Bukod dito, binigyang diin din ni Teodoro na bawal din ang abusado at tamad sa kanilang lokal na pamahalaan sabay pagpapatibay ng kanilang pangako para sa integridad at accountability.
Kasunod nito, kinilala ng alkalde ang kanilang mga kawani na nagtatrabaho ng may integridad, mahusay, tapat at may malasakit sa publiko.
Giit pa ni Teodoro, ang batas ay igagawad sa lahat ng pantay-pantay kaya’t hindi nila hahayaang umusbong muli ang katiwalian sa kanilang panahon.