Aabot sa 4.72 milyong pakete ng hinihinalang iligal na sigarilyo ang nasabat ng mga awtoridad sa Cebu City.
Ikinasa ang operasyon sa Villa Del Rio 1, Barangay Bacayan at sa Carlos A. Gothong Yard sa Pier 7 Area, Cebu City sa pangunguna ng NBI Region 7 katuwang ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Philippine National Police (PNP), Bureau of Customs (BOC), at Philippine Coast Guard (PCG) bilang bahagi ng kampanya laban sa mga puslit na tobacco products.
Sampung 40-foot container vans na naglalaman umano ng iligal na sigarilyo ang nadiskubre sa operasyon.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbentaryo at beripikasyon ng mga nasabat na sigarilyo bagamat tinatayang aabot sa ₱343.1 million ang Excise Tax liability ng mga nasamsam na produkto.
“This successful joint operation underscores the government’s unwavering commitment to protecting legitimate businesses, safeguarding government revenues, and holding accountable those engaged in the illicit cigarette trade. We will continue working closely with our partner agencies to ensure that tax evaders and smugglers face the full force of the law,” pahayag ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza.

