Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang paglunsad ng Bawat Bayan Makikinabang sa Zamboanga Peninsula sa gymnasium ng Western Mindanao State University sa lungsod ng Zamboanga ngayong hapon (June 29, 2026).
Aabot sa ₱371 milyon ang inilaan para sa mga barangay at mga benepisyaryo ng Presidential Scholars Program sa Region IX na pinondohan sa ilalim ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF).
Mula sa nasabing halaga, ₱19.6 milyon ang iginawad sa Zamboanga City; ₱138.2 milyon para sa Zamboanga del Norte; ₱136.2 milyon sa Zamboanga del Sur; at ₱77.8 milyon naman para sa Zamboanga Sibugay.
Kabilang sa mga tumanggap nito ang alkalde ng lungsod, gobernador ng mga pamahalaang panlalawigan, mga kinatawan ng Association of Barangay Captains (ABCs) at isang scholarship representative.
Ayon sa Pangulo, ang bawat barangay ay makakatanggap ng ₱200,000 kung saan nakalaan ang ₱100,000 para sa kanya-kanyang proyekto ng barangay, habang tig-₱20,000 naman para sa limang presidential scholar ng kada-barangay.