Mahigpit ₱1.1 milyong livelihood assistance ang ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 57 repatriated OFWs na naapektuhan ng kaguluhan sa Middle East.
Ayon sa DSWD, isinagawa ang ayuda sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program bilang suporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga umuwing OFW na makapagsimulang muli.
Bukod sa livelihood grants, nagbigay rin ang ahensya ng mahigit ₱9.6 milyong financial assistance sa 1,818 OFWs at ₱300,000 medical aid sa isang OFW na nasa krisis.
Sa datos ng DSWD hanggang June 29, umabot na sa 4,398 returning OFWs ang nabigyan ng kabuuang 6,588 serbisyo na nagkakahalaga ng mahigit ₱11 milyon.