Walang alien emloyment permit si dating Ateneo Men’s Basketball Team Consultant Tab Baldwin.
Ito ang lumabas sa public clarificatory hearing na pinangunahan ni Labor Sec. Francis Tolentino.
Sa nangyaring pagdinig, ipinaliwanag ni Baldwin kasama ang mga legal counsel nito na tanging permanent visa residency at alien certificate of residency lang ang hawak nito.
Dagdag pa ng dating Ateneo coach, nawalan na raw siya ng oras para asikasuhin ito at tumutok na bilang coach ng Ateneo Basketball sa loob ng isang taon.
Dahil dito, ipapatawag ng DOLE ang nasabing abogado na tumulong sa pagkuha ng dokumento at nagpayo kay Baldwin maging ang pamunuan ng Ateneo de Manila University.
Naniniwala naman ang legal counsel ni Baldwin na exempted na ito sa pagkuha ng AEP dahil may hawak na permanent visa residency.
Sa kabila nito ay binigyang-diin ng kampo ni Baldwin na handa silang makipag-cooperate sa ginagawang hearing ng DOLE.