Kinumpirma ng Las Piñas City Police na nasawi ang dalawang tauhan ng isang water concessionaire sa pribadong village sa subdivision sa Pamplona Dos, Las Piñas City na na-trap sa gumuhong hukay na bahagi ng kalsada.
Ayon kay Police Lt. Col. Teoson Rosarito, Assistant Chief for Operations ng Las Piñas City Police, kahapon pa narekober ang mga bangkay ng dalawang biktima.
Aniya, dakong alas-6:30 ng umaga kanina nang matagpuan ang bangkay ng dalawang tauhan ng Maynilad.
Ani Rosarito, may lalim na 18 meters ang hinuhukay ng mga biktima nang biglang gumuho.
