Palalawakin pa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kampanya para sa Manila Bay cleanup sa tulong ng MV Nilad, isang marine cleanup vessel na donasyon ng Korea International Cooperation Agency o KOICA.
Ayon sa DENR, pangungunahan bukas, June 30, ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at DENR Secretary Juan Miguel Cuna ang pormal na inagurasyon ng MV Nilad, na inaasahang makatutulong sa pangongolekta ng lumulutang na basura, pagtugon sa pollution incidents, at pangangalaga sa mga coastal ecosystem.
May haba itong 25 metro at bigat na 101 tonelada at mga kagamitang trash skimmer para sa pangongolekta ng debris, deck crane para sa pagkarga ng basura, at oil boom para sa mabilis na pagtugon sa oil spill.
Bahagi ito ng US$8.2 million Enhancement of Marine Litter Management in Manila Bay Project, isang limang taong partnership ng Pilipinas at South Korea para palakasin ang waste management at mabawasan ang marine pollution.