Malaki ang tiwala ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila sa kakayanan ni bagong U.S Ambassador to the Philippines Lee Lipton.
Ginawa ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng 80 taon ng diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon sa U.S Embassy, kumpiyansa sila sa pamumuno ni Lipton na hinubog ng dekadang pamumuno. Ito ay nagpapakita na kwalipikado siya para maging bagong U.S Ambassador to the Philippines.
Nitong Mayo nang kumpirmahin si Lipton sa bagong posisyon.
Bago niyan, siya ay nagsilbi bilang chief of staff sa U.S. Mission to the Organization of American States.