Umabot sa 429 lugar sa apat na rehiyon sa Luzon ang binabaha dahil sa patuloy na pag-ulan na dala ng Habagat.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Region 1, National Capital Region, Region 3, at CALABARZON.
Ayon kay OCD Deputy Administrator for Administration Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, nasa 2.3 milyong pamilya o halos 8.1 milyong indibidwal na ang apektado ng patuloy na pag-ulan.
Sa bilang na ito, nasa 13,000 indibidwal ang nasa 533 evacuation centers, habang 12,600 pamilya naman ang nasa labas ng evacuation centers.
Umabot na rin sa ₱1.6 bilyon ang halaga ng ayudang naipamahagi ng DSWD, mga LGU, at OCD sa mga pamilyang tinamaan ng pagbaha.
Sinabi ni Alejandro na nananatiling malawak ang epekto ng Habagat, lalo na sa Northern at Central Luzon.