Pinasalamatan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) sa pagsuporta nito sa mga reporma ng ahensya sa tax audit, kabilang ang pagpapatupad ng Single-Instance Audit Framework.
Ayon sa BIR, layunin ng mga repormang ito na palakasin ang transparency, consistency, at due process, gayundin ang pagpapadali sa pagnenegosyo sa bansa sa pamamagitan ng mas maayos na sistema ng tax audit.
Sinabi rin ng ahensya na patuloy ang pakikipagdayalogo nito sa mga stakeholder upang matiyak na ang mga ipinatutupad na reporma ay tumutugon sa pangangailangan ng mga nagbabayad ng buwis at ng sektor ng negosyo.
Binigyang-diin ng BIR na mahalaga ang pakikipagtulungan ng pribadong sektor sa pagsusulong ng mas episyente, patas, at taxpayer-friendly na administrasyon ng pagbubuwis sa Pilipinas.