Sinuspende ang klase ngayong Lunes sa Batangas City Integrated High School dahil sa banta ng pamamaril.
Ayon kay DepEd Batangas SDS Dr. Jaime Panganiban, pinagkasunduan ng school administrators na suspendihin ang klase dahil sa isang banta galing sa isang dummy account na ‘Joyjoy’.
Nakita ng ilang mga magulang ng mga mag-aaral ng Batangas City Integrated HS ang banta kahapon araw ng Linggo kaya nagdesisyon ang mga ito na hindi papasukin ang kanilang mga anak ngayong Lunes.
Bukod dito, nagpalabas ng bulletin ang BDRRMO hinggil sa banta para maipaalam sa mga magulang ng mga mag-aaral sa Batangas Integrated HS.
Matapos maipaalam sa DepEd Batangas ang banta, agad itong iniulat sa Batangas City Police Component na ngayon ay nagsasagawa na ng pag-iimbestiga.
Duda ni SDS Panganiban na sumasabay sa isyu ng naganap na pamamaril sa Tacloban ang nananakot kaya’t agad ipinag-utos nito na ‘until further notice’ ang pagpasok sa eskuwelahan ng mga mag-aaral.