Photo courtesy of ACT Teachers Party-list FB page
Nanawagan si ACT Teachers Representative at Deputy Minority Leader Antonio Tinio para sa isang komprehensibong imbestigasyon hinggil sa naganap na pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban.
Nagbabala rin siya laban sa mga pabigla-biglang panukalang batas na nagpaparusa sa mga bata.
Ayon kay Tinio hindi ito simpleng security failure—ito ay bunga ng mahabang krisis sa edukasyon na dulot ng patuloy at kakulangan ng pondo sa mental health services sa mga paaralan.
Binigyang-diin ng mambabatas ang mga maseselang detalye sa insidente sa Tacloban na nangangailangan ng masusing pagsusuri.
Ipinunto ni Tinio ang House Resolution 1157 na kaniyang inihain upang imbestigahan ang ugat ng karahasan sa mga paaralan, at tugunan ang talamak at sistematikong kakulangan sa sektor ng edukasyon.
Binigyang-diin sa resolusyon ang malalang kakulangan sa pondo para sa mental health services bilang pangunahing dahilan kung bakit hindi mapigilan ng sistema ng edukasyon ang karahasan.