Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, June 29, 2026, ang pamamahagi ng bigas sa mahigit 3,000 benepisyaryo sa lalawigan ng Sulu bilang bahagi ng Local Government Support Fund (LGSF) at Socio-Economic and Security Activity (SESA) ng pamahalaan.
Isinagawa ang aktibidad sa Sultan Jamalul Kiram Gymnasium sa Barangay Laum Maimbung, bayan ng Maimbung, katuwang ang mga lokal na opisyal ng Sulu sa pamumuno ni Governor Abdusakur A. Tan II.
Bukod sa pamamahagi ng bigas, inilunsad din ng Pangulo ang Presidential Scholarship Program sa kanyang pagbisita sa lalawigan.
Aabot sa 2,050 benepisyaryo ang inaasahang makikinabang sa naturang programa, na naglalayong mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga kabataang magpatuloy sa kanilang pag-aaral.