Nakahandang makipagtulungan ang water concessionaire na Maynilad sa mga awtoridad kaugnay ng nangyaring insidente ng pagguho sa isang construction ng kanilang water structure sa Pamplona sa Las Piñas City.
Ayon sa Maynilad, nakahanda silang makipagtulungan sa isasagawang imbestigasyon ng Las Piñas PNP at ng BFP.
Dagdag pa ng nasabing water concessionaire, nakahanda rin silang magpa-abot ng tulong sa pamilya ng mga nasawing construction personnel.
Kaugnay nito sususpindihin muna ang nasabing konstruksiyon habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Nangako naman ang Maynilad na patuloy pa rin ang kanilang isasagawang serbsiyo sa mga maaapektuhan ng construction site.