Inilunsad ng Team Pinas ang GenZennial Tour sa University of the Philippines-Diliman upang hikayatin ang mas aktibong pakikilahok ng kabataan sa mga pambansang isyu.
Ayon kay Professor Cleve Arguelles, tagapagsalita ng Team Pinas, tampok sa programa ang talakayan tungkol sa fake news, West Philippine Sea, at ang nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kasama ang mga eksperto.
Layunin ng inisyatiba na matulungan ang kabataan na makabuo ng sariling pananaw batay sa beripikadong impormasyon at mahikayat silang makilahok sa 2028 elections.
Matapos ang mga aktibidad sa University of Makati at UP Diliman, dadalhin ang GenZennial Tour sa Isabela, La Union, at Iloilo sa susunod na buwan.