Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglunsad ng Walang Gutom Kitchen sa lungsod ng Zamboanga. Ito ay ang ikatlong food bank facility na itinayo ng pamahalaan sa bansa.
Kasama ng Pangulo na una nang dumating ay ang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Rex Gatchalian at ilang opisyal ng siyudad.
Layunin ng pasilidad na ito sa ilalim ng Pag-Abot Program na magbigay ng libre at masustansyang pagkain sa mga nangangailangan bilang bahagi ng mas malawak na pagsisikap ng pamahalaan laban sa kagutuman at kahirapan.
Maliban sa Walang Gutom Hub, matatagpuan din sa FGL Warehouse ang Tara, Basa! Reading Corner na isa ring programa ng DSWD.



