Generally peaceful ang naging pagtatapos ng White Ribbon Movement at Indignation Rally na isinagawa sa kahabaan ng White Plains Avenue sa Quezon City, kahapon, June 28 ayon sa Quezon City Police District (QCPD).
Pinangunahan ng QCPD ang paglalatag ng security measures sa pagtitipon kabilang ang deployment ng Civil Disturbance Management teams, mobile patrol units, traffic personnel, at iba pang contingency measures para mapanatili ang kaayusan sa lugar.
Bandang 5:55 ng hapon opisyal na nagtapos ang programa at kusang nagdisperse ang mga dumalo.
Wala ring naitalang insidente at nanatiling maayos ang daloy ng mga sasakyan sa EDSA.
Nagpasalamat naman si QCPD Chief Police Brig. Gen. Randy Glenn Silvio sa disiplina at pakikiisa ng mga kalahok na sumunod sa mga itinakdang alituntunin kaya naging maayos ang aktibidad.
🎥 QCPD