Nagpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng psychosocial support ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residenteng naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao.
Kamakailan lang, nagsagawa ng psychosocial support activity ang DSWD Field Office Caraga para sa mga tatay na pansamantalang nananatili sa Mama Nawa Evacuation Center sa Malapatan, Sarangani.
Kabuuang 19 na ama ang lumahok sa mga aktibidad kung saan nabigyan sila ng pagkakataong maipahayag ang kanilang nararamdaman, at ibahagi ang mga bagay na nagbibigay sa kanila ng lakas sa gitna ng pagsubok.
Ayon sa DSWD, mahalagang matulungan ang lahat ng sektor ng komunidad, kabilang ang mga haligi ng tahanan, na makabangon mula sa epekto ng sakuna.
Bahagi ito ng patuloy na inisyatiba ng ahensya alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matugunan hindi lamang ang pisikal kundi pati emosyonal at mental na kalagayan ng mga naapektuhan ng lindol.
📸 DSWD

