Inaasahang bibisita si Belgian Deputy Prime Minister at Minister of Foreign Affairs, European Affairs and Development Cooperation Maxime Prévot sa Pilipinas ngayong araw, June 30 hanggang July 2, 2026
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagbisita ng Deputy Prime Minister layong talakayin ang pakikipagtulungan ng Belgium sa Pilipinas pagdating sa trade at investment, creative industry, science and technology, maritime, labor mobility, information and communications technology at iba pa.
Inaasahang paguusapan din ng DFA at ng Deputy Prime Minister ang hinggil sa ASEAN chairship at mga nangyayari sa Middle East at Europe.
33 years na mula nang bumisita ang isang Belgian Foreign Minister sa Pilipinas kaya ang pagbisita ni Prévot pinapakita na matibay na relasyon ng bansa sa Belgium.
Ginugunita rin dito ang 80 taong anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.
Sa ngayon sa tala ng DFA nasa 18,000 ang mga Pilipino na nasa Belgium.