Sasalubungin ng maganda oportunidad ang unang araw ng Hulyo ng mga taga-Makati Coty dahil bukas ay magkakaroon ng Job Fair sa lungsod.
Ayon sa Lokal na pamahalaan ng Makati, isasagawa ang Job Fair bukas sa 5th floor ng PESO Office sa City Hall ng Makati mula alas nueve ng umaga hanggang alas dos ng hapon.
Bago naman magpunta kinakailangan munang magregister sa link na makikita sa kanilang official facebook page, i-upload ang resume at makakakuha ng confirmation para sa application.
Pagdating naman sa venue kailangan magdala ng kopya ng resume, ball pen at valid ID.
Bukod naman bukas may mga susunod pang job fair sa lungsod. Ito ay sa July 8, sa kaparehas na oras at lugar at sa July 15 na isasagawa naman sa Makati Coliseum, alas nueve rin ng umaga hanggang alas dos ng hapon. | ulat ni Louisa Erispe