Nasa 2,115 na ang deployed na pulis sa EDSA dahil sa kilos-protesta na isinasagawa ng mga myembro ng Iglesia Ni Cristo
Pero dahil as of 11:30 ng tanghali umabot na sa halos 11 thousand ang mga indibidwal na nasa lugar ang NCRPO handa namang mag-augment o magdagdag ng 2,000 pulis na idedeploy sa lugar
Ayon kay NCRPO spokesperson PMaj Hazel Asilo ang mga idadagdag na tauhan ay magmumula sa iby ibang police stations sa Quezon City at Police District ng NCRPO kung kakailanganin ay patuloy silang mag-standby ng mga tauhan.
Bilin naman ng NCRPO sa kanilang mga tauhan kung maaari ay manatiling propesyunal sa pagpapatupad ng kapayapaan sa kilos protesta at patuloy na pairalin ang maximum tolerance.