Kinumpirma ng National Capital Region Police Office na inaresto at planong kasuhan ang apat na indibidwal sa kilos protesta sa EDSA White Plains kaninang umaga.
Sa panayam kay NCRPO Spokesperson Police Major Hazel Asilo isa sa kanila ang nanuntok umano ng pulis, isa naman ay ang driver ng bus nakaatas abante sa pulis dalawa naman sa kanila ay mga nanggulo.
Sasampahan naman ng kasong resistance and disobedience ang dalawang nanakit at ang dalawa ay inaalam pa kung ano ang isasampang kaso.
Sa ngayon nananatili ang mga naaresto sa Station 8 ng Quezon City Police District.
Habang ang dalawang pulis naman na nasaktan nasa maayos na kalagayan pero dumaan na sa xray at iba pang test sa PNP General Hospital. | ulat ni Louisa Erispe