Naniniwala ang National Capital Region Police Office (CPRO), na walang naging kapabayaan sa deployment ng mga pulis sa kilos-protesta sa EDSA White Plains
Sa isang panayam sa tagapagsalita ng NCRPO na si Police Major Asilo alas tres palang umano ng umaga ay may mga nakadeploy nang pulis sa lugar nang makatanggap sila ng intelligence report sa kilos-protesta.
Paliwanag lang nito, hindi inaasahan na malaki ang magiging kilos protesta at dadagsa ang miyembro ng Iglesia Ni Cristo na nakaapekto sa trapiko sa lugar
Ito rin naman aniya ang dahilan bakit agaran silang humingi ng tulong mula sa Metro Manila Development Authority(MMDA) para maayos ang trapiko.
Sa ngayon hindi pa rin sigurado ang PNP kung gaano katagal ang magiging kilos-protesta ng INC sa EDSA White Plains pero wala pa umanong direktiba na buwagin o i-disperse ito.