Tiniyak ng National Capital Region Police Office na mananatili silang propesyunal at paiiralin ang maximum tolerance sa pagpapanatiki ng kapayapaan sa kilos-protesta ng INC sa EDSA.
Sa panayam kay NCRPO Spokesperson Police Major Hazel Asilo katunayan ang nga pulis na nakadeploy sa EDSA ay walang dalang armas kundi mga yantok lang at shield.
Nangyari lang ang pag-aresto at tensyon kanina sa White Plains dahil sa ilang indibidwal na sila rin mismo ang nanakit sa mga pulis.
Paalala naman ng NCRPO sa mga raliyista kung maaari makinig sa mga otoridad upang manatili ang kapayapaan sa lugar. | ulat ni Louisa Erispe