Pinabibilis ng Department of Agriculture (DA) ang paghahanda laban sa inaasahang paglala ng El Niño na posibleng umabot sa rurok pagsapit ng November.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., inatasan na ang lahat ng tanggapan ng DA na pabilisin ang pagpapatupad ng mga hakbang upang maprotektahan ang produksyon ng pagkain.
Kabilang dito ang pagpapagawa ng mga irigasyon, water impounding facility, at iba pang proyektong makatutulong sa mga magsasaka sa panahon ng tagtuyot.
Pinatitibay rin ng DA ang paggamit ng data-driven planning at mas mahigpit na koordinasyon sa mga rehiyon upang maagapan ang posibleng epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura.
Layunin ng kagawaran na mapanatili ang sapat na suplay ng pagkain at mabawasan ang pagdepende ng bansa sa mga inaangkat na produktong agrikultural.