Patuloy na nakasubaybay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sitwasyon sa EDSA, kung saan mayroong mga nagtitipon.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, inaalala ng Pangulo ang kapakanan ng mga kababayang naantala ang biyahe at pagtatrabaho dahil sa nangyayari sa EDSA.
Kabilang aniya sa mino-monitor at inaalam ng Pangulo ang sitwasyon ng mga motorista at commuters na naiipit sa traffic.
Kabilang din ang pagtupad ng PNP sa kanilang mandato na magbigay proteksyon at seguridad sa mga inosente.
“Mino-monitor din niya ang kapakanan ng ibang kababayan na naiipit sa gitna ng EDSA pati na rin ang pagsasagawa ng mga kapulisan ng kanilang mandato na magbigay proteksyon at seguridad sa mga inosente nating kababayan.” — Usec. Castro.