Kinikilala ng Malacañang ang layunin ng total cellphone ban sa mga paaralan.
Gayunpaman, ayon kay Communications Usec. Claire Castro, dapat suriin muna kung makatwiran ang parusang kumpiskahin ang cellphone ng mga lalabag hanggang sa matapos ang school year.
Wala pa aniyang pinal na posisyon ang Malacañang sa panukalang ipatupad ang nationwide cellphone ban dahil hinihintay pa ang rekomendasyon ni Education Secretary Sonny Angara.
Kahit kasi aniya mayroong mga pribadong paaralan na nagbabawal ng paggamit ng cellphone habang on going ang klase, pinapayagan pa rin ito tuwing emergency.
Kung matatandaan, ang Dumanjug, Cebu, una nang nagpatupad ng polisiya na kukumpiskahin ang cellphone ng mga estudyanteng lalabag sa cellphone ban, at ibabalik lamang bago matapos ang school year.
Layunin ng hakbang na mabawasan ang paggamit ng gadgets upang mas makapag-focus ang mga estudyante sa pag-aaral at mas makihalubilo sa kanilang mga kaklase.