Nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang grupo ng mga pampublikong transportasyon sa nangyaring kilos protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo.
Ito ay matapos na bumigat ang daloy ng trapiko at isara ang isang panig ng edsa dahil sa isinasagawang protesta ng inc sa Whiteplains Avenue at Edsa.
kabilang dito ang grupong Pasang Masda, grupong Manibela, Metro Rizal UV express maging ang Metro Manila bus na bumibyahe sa busway.
Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, sa kabila na kinikilala nila ang karapatan ng mga miyembro ng INC na magpahayag ng kanilang saloobin, hindi dapat sa paraan na napepwerisyo ang hanaybuhay nilang nasa pampublikong transportasyon.
Maliban dito, sobrang apektado anila ang maraming mga pasahero na karaniwan lang ding mga manggagawa.
Umapela naman si Manibela Chairperson Mar Balbuena na sana daanin sa mahinahon na paaran at iwasang makaabala ng mga motorista maging sa hanapbuhay ng mga tsuper, estudyante.
Sa kabila nito, kaisa aniya sila ng mga miyembro ng INC sa paghahanap ng transparency at accountability.
Samantala, luging-lugi naman ang mga kasamahan ni Julie Tablan ng Metro Rizal UV express dahil sa sobrang trapik.
dahil sa pangyayari, nakakaisang-ikot pa lang ang kanilang kasamahan mula sa karaniwang anim na ikot na byahe. | ulat ni DK Zarate