Tinulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 507 biktima ng human trafficking sa unang quarter ng 2026 sa ilalim ng Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, kabilang sa mga ipinagkaloob na serbisyo ang pagsagip, psychosocial counseling, pansamantalang tirahan, legal assistance, skills training, at financial assistance.
Naibalik sa kanilang mga pamilya at komunidad ang 432 biktima, habang 58 ang inilagay sa mga DSWD residential care facility para sa karagdagang proteksyon.
Naglaan din ang DSWD ng mahigit P1.8 milyon na financial assistance para sa 281 victim-survivors.
Ayon pa kay Dumlao, patuloy na paiigtingin ng ahensya ang mga programa para sa rehabilitasyon at reintegrasyon ng mga biktima ng human trafficking, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.