Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na nakikibahagi sa isinasagawang kilos-protesta sa kahabaan ng EDSA ngayong hapon.
Batay sa monitoring ng Philippine National Police (PNP) hanggang alas-4 ng hapon, umabot na sa 14,100 ang bilang ng mga kalahok sa rally.
Sa nasabing bilang, 13,500 ang nasa People Power Monument matapos lumipat doon ang mga raliyistang unang nagtipon sa EDSA Shrine.
Samantala, nasa 600 naman ang nananatili sa EDSA Southbound sa kanto ng Connecticut.
Sa ngayon, nasa 6,508 na mga pulis ang nakadeploy sa kahabaan ng EDSA upang tiyakin ang seguridad at kaayusan habang isinasagawa ang kilos-protesta. | via Diane Lear