Sinimulan na ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang Community Visioning Series para sa pagbuo ng Indigenous Peoples Master Plan (IPMP) sa Puerto Princesa City, Palawan.
Dumalo sa konsultasyon ang mga lider at kinatawan ng mga Katutubong Pamayanan mula sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, at Eastern Visayas.
Layunin ng aktibidad na tipunin ang kanilang mga mungkahi at prayoridad upang makabuo ng isang inklusibo at rights-based na pambansang plano para sa mga Indigenous Peoples.
Ayon kay NCIP Commissioner Alex Centena, mahalaga ang partisipasyon ng mga katutubo upang matiyak na maipapaloob sa plano ang kanilang mga pangangailangan at adhikain.
Magpapatuloy ang serye ng konsultasyon sa Bukidnon, kung saan lalahok naman ang mga kinatawan mula sa Davao Region at Northern Mindanao.