Iniulat ng Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau (DENR-EMB) na nananatiling “Good” ang kalidad ng hangin sa Metro Manila.
Batay sa monitoring kaninang umaga, nasa “Good” level ang PM10 at PM2.5 sa lahat ng mino-monitor na istasyon sa National Capital Region.
Samantala, nakapagtala ng “Unhealthy for Sensitive Groups” na antas ng PM2.5 ang ilang lugar sa Palawan, Talisay City, Zamboanga, Digos, Koronadal, at Cabadbaran.
“Nasa Acutely Unhealthy” naman ang PM2.5 level sa Iligan City.
Ayon sa DENR-EMB, posibleng may kaugnayan ang haze sa usok mula sa mga sunog sa Kalimantan, Indonesia, na tinangay ng hangin patungong Pilipinas.
Pinapayuhan ang publiko na limitahan ang pananatili sa labas at magsuot ng well-fitting mask sa mga lugar na apektado ng haze.