Nagsuspinde na ang ilang lugar sa bansa ng klase ngayong Martes, bunsod ng masamang panahon at nakatakdang power interruption ayon sa mga lokal na pamahalaan.
Bunsod ng pabago-bagong panahon at malalakas na ulan suspendido ang klase sa mga sumusunod:
Medellin, Cebu – Suspendido ang klase mula Pre-Elementary hanggang Senior High School sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Siaton, Negros Oriental – Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Zamboanguita, Negros Oriental – Suspendido rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Wala ring on-site classes sa mga sumusunod na bayan ng La Union dahil sa nakatakdang power interruption: Aringay, Bauang, Burgos, Caba at Pugo.