Kinansela ng Malacañang ang ilang nakalinyang public engagement ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa labas ng Palasyo ngayong araw.
Kasunod ito ng biglaang pagtitipon ng mga indibwal sa EDSA People Power Monument na nagresulta ng pagbigat ng trapiko sa kalsada.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro naka monitor ang Pangulo sa mga kaganapan kaugnay ng isinasagawang rally sa EDSA.
“Nagmomonitor po ang Pangulo sa ngayon sa kasalukuyang sitwasyon. Patuloy na inaalam ang nangyayari sa mga kababayan natin na naantala sa paglalakbay at pagtatrabaho dahil sa nangyayari sa EDSA.” -Castro
Kung matatandaan, kasama sana sa mga aktibidad na dadaluhan ni Pangulong Marcos para sa umaga ng Martes ay ang inagurasyon ng Marine clean-up vessel for the Enhancement of Marine Litter Management.
Hindi na rin ito dadalo sa Presidential Luncheon na inorganisa ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).
Habang tuloy naman ang mga aktibidad ng Pangulo na gaganapin sa loob ng Malacañang, kabilang ang pagtanggap sa credentials ng bagong US Ambassador to the Philippines na si HE Lee Lipton.
“Minomotor din niya ang kapakanan ng ibang kababayan na naiipit sa gitna ng Edsa pati na rin ang pagsasagawa ng mga kapulisan ng kanilang mandato na magbigay proteksyon at seguridad sa mga inosente nating kababayan.” —Castro