Iginagalang ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang karapatan ng bawat Pilipino na mapayapang magtipon at magpahayag ng kanilang saloobin.
Ito ang inilabas na pahayag ng DILG kasunod ng biglaang pagtitipon ng mga miyembro ng religious group na INC sa paligid ng People Power Monument.
Kaugnay nito, inatasan na DILG ang Philippine National Police (PNP), katuwang ang LGU na ipatupad ang maximum tolerance at angkop na security at traffic management measures.
Partikular na pinatitiyak na magiging mapayapa, maayos, at ligtas ang aktibidad para sa mga kalahok at publiko.
Kasunod nito, hinikayat ng ahensya ang mga dumalo sa rally na panatilihin ang kaayusan, at igalang ang umiiral na batas.