Office of the Ombudsman, kinumpirma ang pag-ulan ng mga kaso kontra sa iba’t ibang indibidwal
Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kasabay ng pag-uumpisa ng tag-ulan ay ang siya ring pag-ulan ng kaso mula sa Ombudsman sa iba’t ibang indiibidwal at opisyal ng pamahalaan.
Ayon kay Remulla hindi lang flood control-related ang mga isasampang kaso dahil mayroon ding hindi naman konektado sa FCP anomaly.
Ani Remulla, walong Congressman at dalawang senador ang nasa ilalim ng preliminary investigation.
Kinumpirma rin ni Ombudsman Remulla ang pagsasampa ng kasong plunder ngayong linggo laban kay Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng kaso sa kinukuwestiyong campaign donation ng Senador.