Muling dadaan sa preliminary investigation sa Office of the Ombudsman ang kaso laban kay Senator Joel Villanueva kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Una nang kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kulang ang case build-up na isinagawa ng Department of Justice (DOJ) para sa posibleng kasong ihahain sa Sandiganbayan.
Ayon naman kay Justice Secretary Fredderick Vida, ipinauubaya na ng DOJ sa Ombudsman ang desisyon kung tuluyang kakasuhan si Villanueva.
Nilinaw naman ni Vida na magpapatuloy ang koordinasyon at pakikipagtulungan ng DOJ sa Ombudsman sa kabila ng hindi pagtanggap sa kanilang naunang rekomendasyon.
Sa ngayon, nasa Ombudsman na ang susunod na hakbang sa pagtukoy kung may sapat na batayan para isampa ang kaso laban sa senador.