Kahit na maulan, tuloy pa rin ang pamamahagi ng libreng bigas sa Valenzuela sa ilalim ng ‘Mula sa Puso para sa Pamilya’ rice assistance ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Nasa 500 mga benepisyaryo ang nakatanggap ng tig-10 kilo ng bigas sa distribusyon sa Karuhatan Ampitheater.
Pinangunahan ni Metro Manila Council Pres at San Juan Mayor Francis Zamora at Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang distribusyon para sa mga benepisyaryong kabilang sa vulnerable sector.
Ito na ang ikalawang tranche ng rice distribution sa lungsod na pinondohan sa ilalim ng Local Government Support Fund o LGSF.
Isa sa mga benepisyaryong nakatanggap ng libreng bigas si Tatay Edgardo na sinabing malaking tulong para sa kanyang pamilya ang bigas lalo’t wala siyang trabaho.
Itinuturing din na ‘blessing’ ni Malou ang natanggap na libreng bigas mula sa pamahalaan.