Pinapayuhan ngayon ng Quezon City Traffic and Transport Management Deparment ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta at iwasan muna ang paligid ng People Power Monument sa EDSA-White Plains.
Kasunod ito ng mass assembly ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na nagsimula kaninang madaling araw at nadudulot ng matinding trapiko sa lugar.
Ayon sa QC TTMD, sarado ngayon sa lahat ng uri ng sasakyan ang lahat ng linya ng EDSA-White Plains habang isinasagawa ang nasabing aktibidad.
Dahil dito, hinikayat ang mga motorista na maglaan ng dagdag na oras sa biyahe, at sundin ang mga tagubilin ng mga traffic enforcer.
Maaga namang nag-deploy ng kanilang mga tauhan ang QC TTMD katuwang ang Philippine National Police (PNP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) para matiyak ang kaayusan, seguridad, at maayos na trapiko.
📸 QC TTMD

