Umabot na sa tinatayang 7,000 indibidwal ang bilang ng mga nagtipon sa paligid ng EDSA People Power Monument ngayong umaga.
Batay yan sa monitoring ng Quezon City Police District (QCPD) dakong alas-6:45 ng umaga.
Sa drone footage ng QCPD, makikitang karamihan ng mga kalahok ay nasa bahagi ng White Plains at may mga umabot na rin sa gitna ng EDSA, dahilan para hindi na madaanan ng mga motorista ang buong northbound lane.
Kaugnay nito, aabot naman sa 500 Police personnel ng QCPD ang naka-deploy na sa lugar habang may karagdagang augmentation din mula sa Regional Mobile Force Batallion.
Tiniyak naman ng QCPD na ipatutupad nito ang maximum tolerance sa pagtitipon habang patuloy na mino-monitor ang sitwasyon sa lugar.