Welcome sa Department of Education (DepEd) ang naging pasya ng Civil Service Commission (CSC) na aprubahan ang pagtatakda ng Qualification Standards (QS).
Ito’y para sa mga bagong posisyong nilikha sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12080, o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act.
Sa pamamagitan ng CSC Resolution No. 2600920, opisyal nang inaprubahan ng Komisyon ang Qualification Standards para sa mga posisyon ng Schools Division Counselor (SDC), School Counselor I–IV, at School Counselor Associate (SCA) I–V.
Binigyang-diin ni Angara ang kahalagahan ng pag-apruba ng CSC sa pagsusulong ng mental health at well-being ng DepEd para sa mga mag-aaral.
Ang pagbuo sa mga posisyong ito ay isang kritikal na hakbang upang mapalawak ang counseling services sa loob ng mga eskwelahan at mapatibay ang suporta sa mga mag-aaral sa buong sistema ng basic education.
Ang mga inisyatibong ito ay nagpapatibay sa misyon ng DepEd na maghatid ng ligtas, inklusibo, mapagkalinga, at nakasentro sa mag-aaral na kapaligiran para sa bawat kabataang Pilipino.

