Photo courtesy of Sec. Mel Senen Sarmiento FB
Inaasahang papangalanan na ng pamahalaan ang tatayong Implementing Peace Panel Chairperson nito sa July 14.
Ito’y ayon sa Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) ay upang maipatupad nang ganap ang mga nilalaman ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Ayon kay Presidential Peace Adviser, Secretary Mel Senen Sarmiento, nasa ikatlo at huling yugto na ang vetting o pagpili ng bagong Government Implementing Peace Panel Chair batay sa abiso ng Malacañang.
Binigyang diin ni Sarmiento, na mahalaga ang pagpili ng bagong mamumuno sa panig ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga tagumpay ng kasunduan para masigurong maipagpapatuloy ang mga nasimulang tagumpay nito.
Ngayong pumapasok na ang pagpapatupad ng CAB sa kritikal na yugto, kauna-unahang Parliamentary Elections sa Setyembre, puspusan ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang maitaguyod ang isang malayang Bangsamoro.