Target ng Department of Agriculture Western Visayas na mabigyan ng libreng serbisyo ng agricultural drone ang higit sa 2,000 hektariya ng palayan sa Iloilo.
Layunin ng programa na maisulong ang precision farming at mabawasan ang gastos, gawain at oras na igugugol ng mga magsasaka sa pagtatanim.
Sa ilalim ng programa, sagot na ng DA ang drone services para sa magsasaka at mayroon na rong tao na mag-ooperate nito. Kailangan lang na ihanda ng magsasaka ang kakailanganing binhi, pestisidyo, pataba at tubig.
Ayon sa DA Western Visayas, may 15 bayan sa Iloilo ang pinili blang priority rice cluster area para sa pilot testing.
Sa oras na magtagumpay ang pagpapatupad sa Iloilo, plano ng ahensya na palawakin ang programa sa iba pang lalawigan sa rehiyon sa susunod na cropping season.
📸 DA WV