Umabot na sa ₱25,335,525.00 ang kabuuang halaga ng tulong-pinansyal sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) na naipamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol sa mga mangingisda sa buong Bicol Region.
Batay sa datos ng ahensya, 10,897 na mangingisda mula sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon ang nakatanggap na ng naturang ayuda.
Layunin ng pamamahagi ng tulong na makapagbigay ng agarang suporta sa kabuhayan ng sektor ng pangisdaan, lalo na sa gitna ng patuloy na hamon dulot ng mataas na presyo ng langis.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang payout sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.