Nananatiling aktibo ang latag ng seguridad at mga ipinatutupad na protocols ng Pambansang Pulisya kaugnay ng ikalawang araw ng pagdaraos ng rally ng Iglesia ni Cristo sa People Power Monument at EDSA White Plains.
Sa panayam ng programang BOSES kay PNP Spokesperson Police Col. Allen Rae Co, nakakuha na ng kaukulang permit ang INC para sa rally ngayong araw, kung saan pinayagan silang okupahin ang White Plains Avenue sa kahabaan ng Temple Drive.
Inaprubahan ng Quezon City government ang pagsasagawa ng rally mula alas-8 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi kung saan inaasahang aabot sa 100,000 miyembro ng INC ang makikillahok.
Papalo naman sa hindi bababa sa 7,000 police personnel ang naka-deploy sa ikalawang araw ng rally kung saan naka-standby din ang reserve force ng PNP.