“Akala ko ba gusto ng INC na managot lahat.”
Ito ang nagtatakang pahayag ng isang constitutional expert sa pahayag ng Iglesia ni Cristo (INC) na kinukwestyon na masampahan ng kasong Plunder si Senator Rodante Marcoleta na miyembro o kapatid nila sa paniniwala.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, sinabi ni Constitutional Law Expert, Atty. Domingo “Egon” Cayosa na mismong galing kay Senador Marcoleta ang ebidensyang pinagbasehan ng Ombudsman para sa kasong plunder laban dito.
Hinikayat din ni Atty. Cayosa ang INC at mga magagaling na mga abogado nito na pag-aralang mabuti ang plunder law.
Ayon kay Cayosa, nakasaad sa Plunder Law na hindi limitado sa pondong galing sa gobyerno ang maaring kasuhan ng pandarambong kungdi maging sa mga perang nagmula sa pribadong sektor.
Dagdag pa ng Law Expert dapat lamang na nilagay ni Senator Marcoleta ang 75 million pesos na natangap nito mula sa mga pribadong indibidwal noong kongresista pa ito sa kanyang SALN.
Matatandaang nagsagawa ng suprise protest rally ang INC nitong Martes ng umaga na pinagpapatuloy hanggang ngayong Miyerkules kung saan nanawagan ito sa gobyerno ng transparency at accountability sa mga involved sa Anomalous Flood Control Projects kabilang na ang di pagsang-ayon sa plunder case ng Ombudsman laban kay Senator Rodante Marcoleta.