Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 79th Founding Anniversary ng Philippine Airforce.
Dito ay kinilala ng Commander-in-Chief ang mahalagang papel ng Philippine Air Force sa gitna na rin ng mga hamong patuloy na dumarating.
Bahagi ng mensahe ng Pangulo ay ang paghikayat nito sa hanay ng Philippine Air Force na panatilihin ang pinakamataas na antas ng propesyonalismo, disiplina, at integridad.
Pero higit sa lahat, sinabi ng Pangulo na ang kailangan ay matiyak ng bawat sundalo na manatiling tapat sa kanilang constitutional duties at maprotektahan ang mga tao.
Bukod dito ay dapat din aniyang masigurong madedepensahan ang democratic institutions na nagbabantay para sa ating kalayaan.